Saturday, November 10, 2018

flash fiction: creative writing mini task #2


"Malaya"

Mga tuyong dahon at puno sa maalinsanang panahon ang aking pinagmamasdan sa labas ng silid-aralan. Nagkaroon ng salo-salo para sa mga estudyante’t magulang nila. Walang kasama na kahit sino si Malaya, ang estudyanteng pinakamalapit sa aking, kaya’t iconntact ko ang lola niya, ngunit ang ama na lang daw ni Malaya ang pupunta. Nagpunta kami ni Malaya sa gate ng paaralan para hintayin siya. Hindi ko inaasahan ang aking nakita, si Malaya’y anak ng lalaking dating nangakong idadala ako sa harap ng altar. Masaya ako sa aking nakita, hindi dahil nakita ko na ulit siya, dahil sa huli’y masaya na siya.

ekphrasis: creative writing mini task #1

“Deflowered”
Every day she greeted the universe,
for her the universe was he;
He described her as young and beautiful,
sweet yet full of ambition.
Gold silk dress with pearls on her neck,
but she still thinks he is not impressed.
How lovely it is if she would let herself step out of her body,
she will surely break into a blossom,
but how would she do that if he wouldn’t let her alone.
She’s good, she’s a woman, a hero of her own,
too bad her face is just worth a penny
A face that could not be compared to any,
too bad she’s just a toy to many.
The divinity that turned her into a sinner,
grief for the death of his father and a rejection,
from her lover that broke her
She was overwhelmed between two different poles;
South or north, to be a lovely wife or a deceitful lover
oh Ophelia have you ever think for yourself?
The sadness turned into madness, she allowed herself to drown in the darkness
A death that seems passive as her gold silk dress spread wide in the water
Neglecting to save herself from drowning  

Friday, November 9, 2018

spoken word poetry: theology performance taks

"14"

Sumikat na naman si haring araw At ang ingay ng malakas na iyak ng aking ina'y umalingawngaw, Akala ko'y wala lang, akala ko'y simpleng drama lang ng aking ina, Yung pala'y iniwan na kami ng aking ama, Dahil hindi niya natalo ang kalaban niyang malaria. Tinaguyod kami ng aming ina, at siya'y aming tinulungan, Ang isa't isa'y ginawa naming kanlungan, Sa kabila ng kahirapan, ay may ngiti kaming inihahatid, At sa Diyos ay puno kami ng pag-ibig Isang araw, ako'y nagtatahi ng kamisa, Nang biglang mangyari ang isang bagay na hindi ko inaasahan, Ako'y hinawakan ni Alessandro't sinunggaban, Muntik niya na kong gahasin, At siya'y aking binalaan na pag ito'y kanyang tinuloy, mapupunta siya sa impyerno. Nagdilim ang aking paligid, At ako parin ay kanyang pinilit, Ako'y hinawakan niya sa leeg na mahigpit, Hinahabol ko ang aking hininga at pilit, Pilit sinasabi ang mga katangang "Kasalanan to, tigilan mo ko! Kasalanan to, tigilan mo ko!!" Sinabi ko na mas pipiliin ko na mamatay kaysa ibigay ang sarili Kung kaya't ako'y sinaksak niya ng paulit-ulit At sa oras na yon, alam kong mapupunta ako sa langit. Nawalan ako ng malay at nagising nalang akong inooperahan, Hindi kaya ng doctor ang pagalingin ang mga sugat kong natamo, Ngunit hindi kinaya ng aking katawan, at matapos ng ilang oras ako na'y namaalam, Ako si maria goretti, Isang martyr

ekphrasis: creative writing mini task #1

“Deflowered” Every day she greeted the universe, for her the universe was he; He described her as young and beautiful, sweet yet fu...