"Malaya"
Mga tuyong dahon
at puno sa maalinsanang panahon ang aking pinagmamasdan sa labas ng silid-aralan.
Nagkaroon ng salo-salo para sa mga estudyante’t magulang nila. Walang kasama na
kahit sino si Malaya, ang estudyanteng pinakamalapit sa aking, kaya’t iconntact
ko ang lola niya, ngunit ang ama na lang daw ni Malaya ang pupunta. Nagpunta
kami ni Malaya sa gate ng paaralan para hintayin siya. Hindi ko inaasahan ang
aking nakita, si Malaya’y anak ng lalaking dating nangakong idadala ako sa
harap ng altar. Masaya ako sa aking nakita, hindi dahil nakita ko na ulit siya,
dahil sa huli’y masaya na siya.